International Women’s Day 2022

Sa pakikiisa ng GAD Committee at ng iba’t ibang sektor sa komunidad ng UP Diliman, naging matagumpay ang pagdiriwang ng Pandaigdigang Buwan at Araw ng Kababaihan 2022. Ito ang taunang pakikiisa ng UP Diliman sa pandaigdigang kaganapan para sa kababaihan. Mula sa mga pagpupulong ng GAD Focal Point System, ang naging tema ngayong taon ay DEFEND UP: Manindigan para sa paghilom, pagbangon, pagsulong, at pagkakapantay-pantay! na sumasalamin sa kalagayan ng kababaihan at iba pang kasarian sa panahon ng pagbangon natin sa iba’t ibang krisis sa bansa. Sa pagpapatuloy natin sa ikalawang taon ng pandemya, nananatili pa rin ang ating paninindigan para sa pagsulong ng ating karapatan, kasama rito ang paghilom at pagbangon natin sa kahirapan, karahasan at karamdaman.  Nananatili pa rin ang banta ng pag-atake sa Unibersidad dahil sa hindi pa rin nawawakasang usapin tungkol sa unilateral na pagkansela  ng DND ng UP-DND Accord. Bilang Pamantasan  ng Bayan, nararapat lamang tayong mandigan para sa karapatang pantao, kagalingan at  kaligtasan ng kababaihan at lahat ng kasarian.

Read More