Stress and Anger Management for a Better Mental Health

Tagumpay na nailunsad ang pagsasanay sa Stress and Anger Management for a Better Mental Health para sa mga Volunteers of Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) ng Brgy UP Campus. Ginanap ito sa University Hotel noong Oktubre 9, 2022 mula 8am – 5pm. Pangunahing tagapagsalita at nagbahagi ng kahusayan ay si Anna Myrishia Villanueva, Guidance Specialist ng UP Diliman Gender Office.

Natuto ang tatlumpung (30) volunteers ng mga konsepto tungkol sa (1) Stress and Anger, (2)Signs and Effects of Stress and Anger, at (3) Tools and Strategies kung paano pangasisiwaan ang stress. Naroon ding dumalo ang Brgy Capt na si Zenaida Lectura. Isang mahusay na inisyatiba ng mga barangay at komunidad ang pagbibigay suporta sa mga nagboboluntaryong magbigay tulong sa mga bulnerableng kasapi ng pamayanan gaya ng mga kabataan. Inaaasahan nating susunod na rin ang iba pang mga barangay sa UP Diliman tungo sa isang malaya at gender-responsive na komunidad.

GST para sa Asian Center at Brgy. UP Campus

Magkasabay na ginanap ang dalawang Gender Sensitivity Training para sa mga empleyado at fakulti ng Asian Center at para sa mga Lupong Tagapamayapa ng Brgy. UP Campus noong Oktubre 14, 2022. Ginanap sa GT Toyota ang GST ng mga fakulti at emplyado ng Asian Center kung saan nagbahagi ng mga susing mensahe ang dekanong si Dr. Henelito Sevilla Jr, at si Dr. Maria Dulce Natividad naman ang naglagom ng mga talakayan. Naging mga tagapagsalita naman sina Gio Potes (ng UPDGO), Mary Leian M. Pasumbal at Assoc. Prof. Bernadette V. Neri.

Ginanap naman sa University Hotel ang GST ng mga Lupong Tagapamayapa ng Brgy. UP Campus kung saan nagbahagi tungkol sa Batayang Konsepto sa Ari at Kasarian si Cindy Cruz-Cabrera, ang Senior GAD Officer ng UPDGO. Sina Brgy Capt. Zenaida Lectura at Pinuno ng Lupong Tagapamayapa, Erlinda Gaddi, ay nagbigay din ng mga mensahe.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan ng UP Diliman Gender Office sa mga opisina, yunit, at mga barangay ng UP Diliman para sa mga pagsasanay at proyekto tungo sa layuning maging gender-responsive ang komunidad. Padayon sa mga kawani at mga opisina na kaagapay natin sa pagtupad na magkaroon ng malayang unibersidad.

Pagbati, CMO-UP Diliman

Pagbati sa CMO-UP Diliman! Idinaos noong Setyembre 30 ang whole-day Gender Sensitivity Training para sa mga empleyado ng Campus Maintenance Office – UP Diliman. Naroon din ang CMO Director na si Perlita Raña na nagbahagi ng natatanging mensahe para sa mga kawani. Nagbigay ng pagsasanay sina Gio Potes at Anna Villanueva. Maglulunsad ng isa pang training sa susunod na mga araw ang UPDGO para sa iba pang mga empleyado ng CMO. Layon nating maglunsad ng ganitong mga pagsasanay sa lahat ng mga kawani at empleyado ng UP Diliman.

#GST2022

GST2022 sa Brgy. UP Campus

Sa pangunguna ng UP Diliman Gender Office at Office of Anti-Sexual Harassment UP Diliman, ginanap noong Setyembre 22 ang isang Gender Sensitivity Training para sa Family and Community Healing Center – Brgy UP Campus. Naging mga susing tagapagsalita sina Gio Potes at Anna Myrishia Villanueva ng UPDGO, at si Janet de Leon mula sa OASH sa mga talakayan tungkol sa kasarian at sekswalidad, karahasang batay sa kasarian, anti-sexual harassment at usaping safe spaces. Maraming salamat sa ating mga kasamahan mula sa Brgy UP Campus! #GST2022

DSWD NCR at UPDGO para sa SOGIE

Sa pangunguna nina Kristel May Gomez Magdaraog at Gio Potes ng UP Diliman Gender Office, idinaos noong Agosto 23-25 ang tatlong araw na pagsasanay sa SOGIE (o sexual orientation, gender identity and expression) kasama ang mga opisyales at kawani ng NCR Field Office ng Department of Social Welfare and Development. Naging masikhay ang talakayan, pati na din ang pagbabahagi ng mga plano at mga karanasan ng mga kasamahan mula sa DSWD.