GST para sa Asian Center at Brgy. UP Campus

Magkasabay na ginanap ang dalawang Gender Sensitivity Training para sa mga empleyado at fakulti ng Asian Center at para sa mga Lupong Tagapamayapa ng Brgy. UP Campus noong Oktubre 14, 2022. Ginanap sa GT Toyota ang GST ng mga fakulti at emplyado ng Asian Center kung saan nagbahagi ng mga susing mensahe ang dekanong si Dr. Henelito Sevilla Jr, at si Dr. Maria Dulce Natividad naman ang naglagom ng mga talakayan. Naging mga tagapagsalita naman sina Gio Potes (ng UPDGO), Mary Leian M. Pasumbal at Assoc. Prof. Bernadette V. Neri.

Ginanap naman sa University Hotel ang GST ng mga Lupong Tagapamayapa ng Brgy. UP Campus kung saan nagbahagi tungkol sa Batayang Konsepto sa Ari at Kasarian si Cindy Cruz-Cabrera, ang Senior GAD Officer ng UPDGO. Sina Brgy Capt. Zenaida Lectura at Pinuno ng Lupong Tagapamayapa, Erlinda Gaddi, ay nagbigay din ng mga mensahe.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan ng UP Diliman Gender Office sa mga opisina, yunit, at mga barangay ng UP Diliman para sa mga pagsasanay at proyekto tungo sa layuning maging gender-responsive ang komunidad. Padayon sa mga kawani at mga opisina na kaagapay natin sa pagtupad na magkaroon ng malayang unibersidad.

Pagbati, CMO-UP Diliman

Pagbati sa CMO-UP Diliman! Idinaos noong Setyembre 30 ang whole-day Gender Sensitivity Training para sa mga empleyado ng Campus Maintenance Office – UP Diliman. Naroon din ang CMO Director na si Perlita Raña na nagbahagi ng natatanging mensahe para sa mga kawani. Nagbigay ng pagsasanay sina Gio Potes at Anna Villanueva. Maglulunsad ng isa pang training sa susunod na mga araw ang UPDGO para sa iba pang mga empleyado ng CMO. Layon nating maglunsad ng ganitong mga pagsasanay sa lahat ng mga kawani at empleyado ng UP Diliman.

#GST2022

SIGN UP NA! PAGSASANAY AT WEBINAR NG UPDGO

Narito ang iskedyul sa mga sesyon ng pagsasanay at webinar ng UPDGO sa Agosto 2022 na maaaring daluhan ng mga miyembro ng komunidad ng UP Diliman. Maaaring indibidwal o pangkat ang mag-register, ilagay lamang sa form kung ilan ang dadalo kung para sa pangkat. Kada sesyon ay animnapung (60) katao ang maaaring mapadalo. Magpapadala ng kumpirmasyon ang UPDGO isang (1) linggo bago ang petsa ng sesyon.

Magregister dito: https://linktr.ee/updgotrainings, o i-scan ang QR code.

Maraming salamat at kitakits sa mga sesyon!

#GST2022

#GSO2022

 

BANYUHAY – PRIDE MONTH episode

Naganap noong Hunyo 6, 2022 ang Banyuhay – Pride Month episode ng DILG NCR Local Government Capability Development Division kung saan inimbita ang UP Diliman Gender Office. Ang Banyuhay ay lingguhang ganap ng opisina upang magkaroon ng puwang ang malayang talakayan sa kanilang mga kawani. Ngayong buwan ay pinili nilang itampok ang Pride Month, ang kasaysayan at kahalagahan nito. Pangunahing tagapagsalita sa aktibidad si Coordinator Kristel May Gomez-Magdaraog.

Read More

We Don’t Talk About Bruno

Idinaos nang matagumpay noong April 30, 2022 ang webinar para sa mga guro at magulang ng UP Integrated School na pinamagatang “We Don’t Talk About Bruno: Paksang Pangkasarian, Bakit Mahirap Pag-usapan?” Pinangunahan ito ng Gender and Development Committee ng UPIS at ng opisina ng UPDGO. Ang mga tagapagsalita ay sina Ms. Yeng Gatchalian, Ms. Lance Reblando, at ang Guidance Specialist ng UPDGO na si Ms. Anna Villanueva.

Read More