DZUP GENDERadyo: Ngayong araw ay International Day Against Homophobia, Transphobia, and Biphobia. Talakayin natin ang UP Diliman IDAHOT 2021 sa episode na ito ng chikahan sa kasarian…online! Maaaring panoorin ang LIVE episode sa link na ito.
Nagbahagi ang UPDGO sa pamamagitan ng SOGIE Officer na si Gio Potes tungkol sa mga paksa ng SOGIE at LGBTQIA++ sa panahon ng pandemya para sa Iloilo Science and Technology University. Maaaring tunghayan ang naganap na webinar sa link na ito. #SOGIEEqualityNow #AchibDisBill2021 #SamaAllPantayAll
SURVEY: Pag-aaral hinggil sa sitwasyon ng mga dati at kasalukuyang nagpapasusong ina (breastfeeding mothers) na empleyado, REPS at fakulti sa UP Diliman Layunin ng pag-aaral na ito na siyasatin ang dati at kasalukuyang sitwasyon ng mga nagpapasusong ina na empleyado, REPS at fakulti ng UP Diliman bago pa man dumating ang pandemya, hanggang sa kasalukuyan. Nais matukoy ng pag-aaral kung papaano hinaharap ng mga nabanggit ang dati at kasalukuyang sitwasyon, ano ang mga naging tugon ng kani-kaniyang mga pamilya, opisina, ng Unibersidad, at kung ano ang nakikita nilang mga maaari pang pagbutihin bilang suporta sa kanilang pangangailangan. Sisikapin ng pag-aaral na itong bumuo ng rekomendasyon na ihahapag sa mga opisinang mayroong kinalaman sa kalagayang nabanggit. Masasagutan ang survey sa loob ng 15-20 minuto. Maaaring lumahok sa survey na ito ang mga dati o kasalukuyang breastfeeding mothers/nagpapasusong ina, pati na rin ang mga kasalukuyang nagbubuntis/expectant mothers na kawani, REPS o fakulti ng UP Diliman. Sakaling hindi naman pasok sa mga nabanggit, maaari ninyong i-refer ito sa mga kakilalang kaopisina/kasama sa yunit/kolehiyo ng UP Diliman na breastfeeding/nagpapasuso, dating nakaranas ng breastfeeding/pagpapasuso, at nagbubuntis/expectant mothers. Para sa mga nais lumahok, narito ang link ng survey. https://docs.google.com/…/1FAIpQLSeEwC9GLICt5f…/viewform Maraming salamat!
Ginanap noong Mayo 10-11 ang Online Gender Sensitivity Training para sa mga kawani ng UP School of Economics. Nagbigay ng pambungad na mensahe ang Officer-In-Charge ng UPSE na si Dr. Aleli D. Kraft, at naging panauhing tagapagsalita si Mary Leian Marasigan Pasumbal na nagtalakay hinggil sa Batas at Kasarian. Maraming Salamat sa paanyaya at pagdalo, UPSE! #GST2021
Mapagpalang pagtatapos ng Ramadan, mga kapatid naming Muslim. #eidmubarak