Sulong, Bahaghari! Ginanap noong June 24, 2022 ang online Pride celebration ng UP Diliman na puno ng mensahe ng pakikiisa at mga pagtatanghal para sa Pride. Maraming salamat sa lahat ng nanood at nakiisa noong Byernes at lalong lalo na sa iba’t ibang sektor na nagpahayag ng suporta para sa adbokasya maging sa mga organisasyon at artista ng bayan na nagtanghal. Maraming salamat sa The UP Repertory Company, UP Kontra-GaPi, at UP LIRIKA, Doña Amour, Mrs. Tan, Aries Night, Kieffy, and Ally Nicole! Pagbati rin sa UP Diliman Office of Anti Sexual Harassment sa paglulunsad ng OASH Narratives na matatagpuan sa kanilang FB page. Inilunsad din ang bidyo ng mga kaganapan noong nakaraang pagdiriwang ng UP Diliman Women’s Month 2022. Bisitahin ang opisyal na Youtube ng opisina sa https://youtu.be/kfoZUjqNdI8 Patuloy tayong sumulong sa ating mga laban kahit tapos na ang Pride Month. Patuloy tayong manawagan para sa isang lipunang ligtas at malaya para sa lahat ng kasarian at ibang bulnerableng sektor ng lipunan. Manindigan lalo na sa panahong talamak ang disimpormasyon sa loob at labas ng social media. #UPDPRIDE2022 #SulongBahaghari #UPPride #EQUALITYNOW #UPDilimanPRIDE #SOGIEEqualityNow #UPDPride2022 #uppride #equalitynow #lovewins #UPPRIDE
Ginanap noong June 17, 2022 and AdbokaSerye ng Benilde Center for Social Action na pinamagatang KASARINLAN, talakayan ukol sa kahalagahan ng pagtanggap at pag-intindi sa LGBTQIA++ community. Ang mga tagapagsalita ay sina Mx. HARVEY B. CATI-AN, RPm, Mental Health Coach sa National Youth Commission at Lecturer sa Negros Oriental State University. Naroon rin si Mr. GIANO RAY C. POTES, ang SOGIE & Training Office ng UP Diliman Gender Office. Pagbati sa Benilde Center for Action at maraming salamat sa pagkakataong makapagbahagi ang UPDGO sa inyong Pride Month celebration. Maaaring mapanood muli ang kanilang talakayan sa https://www.facebook.com/centerforsocialaction/videos/793864118272393 Maaari kaming maimbita bilang tagapagsalita sa inyong mga aktibidad sa paaralan, opisina, at iba pa. Mag-email lamang sa updgo@up.edu.ph o magpadala ng mensahe sa aming opisyal na FB page. Abangan pa ang mga nakalinyang kaganapan ngayong buwan sa https://dgo.upd.edu.ph/sulong-bahaghari-calendar-of-events/ at sa opisyal na FB page ng UPDGO! Gamitin ang mga hashtags na #SulongBahaghari #EQUALITYNOW #UPDPRIDE2022 #UPPride #UPDilimanPRIDE
Narito ang mga aabangang aktibidad ngayong UP Diliman Pride Month! Makiisa sa mga ito at gamitin ang hashtags: #SulongBahaghari #EQUALITYNOW #UPDPRIDE2022 #UPPride #UPDilimanPRIDE Maraming salamat sa obrang likha ni Patricia Ramos
SULONG, BAHAGHARI! Online Pride Protest and Celebration Mhie! Bhie! Mga accla! Invited ang buong UP Diliman community sa ating online Pride Protest and Celebration sa June 24, 9AM! Isama ang buong opisina, pamilya, mga kaibigan, at tumutok na sa ating FB Live! Abangan ang mga mensahe ng pakikiisa at mga pagtatanghal alay sa makulay na kasaysayan ng paglaban at tagumpay ng LGBTQIA++ community. Kung nais magtanghal at magsumite ng inyong mga likhang-sining, mag-sign up lamang sa google form na ito: http://forms.gle/UUJqQcYFZAzN2nT28 Makiisa sa Pride ngayong buwan at gamitin ang mga hashtags sa inyong mga posts #SulongBahaghari #EQUALITYNOW #UPDPRIDE2022 #UPPride #UPDilimanPRIDE
Maligayang ika- 124 na Paggunita ng Ating Kalayaan! Ngayong Araw ng Kalayaan, sa araw ng paggunita ng ating kasarinlan, kasabay din sana ito ng paglaya nating mga Pilipino laban sa anumang uri ng kahirapan, karamdaman, at kawalang hustisya. Ang kalayaan ay paglaya ng kababaihan laban sa diskriminasyon at pang-aabuso. Ang kalayaan ay paglaya ng mga LGBTQIA++ individuals laban sa pambabastos at pagpatay. Ang kalayaan ay paglaya ng mga magsasaka at iba pang manggagawang bukid na makapagsaka ng sariling lupa. Ang kalayaan ay paglaya ng mga manggagawa laban sa abusado at masalimuot na kondisyon sa trabaho. Ang kalayaan ay paglaya ng mga mamamayan laban sa hirap at panganib ng pandemya. Ang kalayaan ay paglaya ng mamamayan sa kagutuman at kawalan ng ligtas at maayos na tahanan. Ang kalayaan ay paglaya ng mga mamamayan na magpahayag ng kanilang pagnanais para sa isang makatarungan at maginhawang bansa. Maging paalala sana ang Hunyo 12 na bahagi ng ating pagdiriwang at paglaya ay ang patuloy na pagtamasa natin sa mga batayang karapatan natin bilang tao at mamamayan ng ating bansa.