GABAY AT AGAPAY: Paglikha ng Protokol Laban sa Sexual Harassment

Idinaos noong Agosto 8, 2022 ang webinar na “GABAY AT AGAPAY: Paglikha ng Protokol Laban sa Sexual Harassment” sa pangunguna ng UP Diliman Gender Office, UP Diliman Department of Philosophy at Office of Anti-Sexual Harassment UP Diliman. Ibinukas ang webinar sa mga komite ng Gender and Development (o GAD) sa U.P. Diliman upang hikayatin ang mga yunit na lumikha ng sarili nilang mga protokol laban sa sexual harassment, alinsunod sa Section 29 ng UP Anti-Sexual Harassment Code.

Sa tulong nina Dr. Teresa Paula de Luna (Tagapag-ugnay ng OASH UP Diliman) at katuwang din ang Legal Consultant ng OASH UPD na si Atty Mary Ruth Punzalan, tinalakay ang mandato ng U.P. at ng pamahalaan sa usapin ng mga batas at palisiyang tumutugon sa sexual harassment. Nagkaroon din ng talakayan tungkol sa Gender-based Violence Response and Protocol si Anna Myrishia Villanueva, Guidance Services Specialist ng UPDGO.

Nagbahagi din ng mga mensahe sina Kristel May Gomez Magdaraog (Tagapag-ugnay ng UPDGO) at si Assoc. Prof. Karen Connie M. Abalos Orendain (Tagapangulo ng UP Diliman Department of Philosophy).

Hinihikayat namin ang mga yunit sa U.P. Diliman na panimulan ang paglikha ng kani-kanilang mga lokal na protokol laban sa sexual harassment. Maaaring magpadala ng e-mail sa updgo@up.edu.ph at sa oash.upd@up.edu.ph.

Maraming salamat sa mga dumalo!

SIGN UP NA! PAGSASANAY AT WEBINAR NG UPDGO

Narito ang iskedyul sa mga sesyon ng pagsasanay at webinar ng UPDGO sa Agosto 2022 na maaaring daluhan ng mga miyembro ng komunidad ng UP Diliman. Maaaring indibidwal o pangkat ang mag-register, ilagay lamang sa form kung ilan ang dadalo kung para sa pangkat. Kada sesyon ay animnapung (60) katao ang maaaring mapadalo. Magpapadala ng kumpirmasyon ang UPDGO isang (1) linggo bago ang petsa ng sesyon.

Magregister dito: https://linktr.ee/updgotrainings, o i-scan ang QR code.

Maraming salamat at kitakits sa mga sesyon!

#GST2022

#GSO2022