Bilang pagsasagawa ng mandato nitong gender mainstreaming, inilalathala ang Diliman Gender Review na naglalaman ng mga pangkasariang pananaliksik, mapanlikhang sulatin, rebyu ng mga tesis, disertasyon, aklat, at produktong pangmidya. Layon nitong magtanghal at magpalaganap ng mga bagong kaalaman at mapalakas ang talastasang pangkasarian na maaaring gamitin sa gawaing pagtuturo, administrasyon at ekstensiyon. Umaambag ito sa layunin ng Unibersidad na maging mayabong ang gawaing pananaliksik at paglalathala sa usapin ng kasarian.

Inilunsad ang Diliman Gender Review Bol. 3, 2020 noong Disyembre 10, 2021 sa Facebook page ng UP Diliman Gender Office. Pasasalamat sa mga kontribyutor, Lupon ng Patnugutan sa pamumuno ng Punong Patnugot na si Dr. Nancy Kimuell-Gabriel at lahat ng mga naging kaisa sa pagbuo ng DGR Bol. 3, 2020.

Narito ang mga tampok na artikulo at manunulat ng bolyum:

  1. Imahen ng Kababaihan sa mga Aklat Paglalakbay sa Harap ng Imperyalismong Amerikano: Isang Feministang Pagsusuri ni Mary Dorothy L. Jose, Ph.D.
  2. Maginoo Kahit Pa Niloko? Pagbibigay-kahulugan ng mga Lalaki sa Pangangaliwa ng Kanilang Relasyon nina Princess Lovella Maturan, Mary Angelica Bonifacio at Rashia Andrea Lubuguin
  3. MAKUHA KA SA TINGIN: Ang desekswalisasyon ng bidang babae sa pagsasalin ng mga nobelang romansa ni Mar Anthony Simon Dela Cruz, Ph.D.
  4. Ang Boy Love Series Bilang Diskurso: Isang Komparatibong Analisis ng 2gether The Series ng Thailand at Hello Stranger ng Pilipinas ni Marvin Reyes, Ph.D.

Maaaring i-download ang Diliman Gender Review Bol. 3, 2020 sa link na ito: DGR Layout Bolyum 3_9Dec2021.