Ang kasalukuyang Gawad Kasarian ay kumikilala sa kahusayan at dedikasyon ng gender and development o GAD committee sa pangunguna sa gender mainstreaming sa kani-kanilang mga kolehiyo, opisina, yunit at mga organisasyon.
Ang mga GAD committee ang pangunahing katuwang ng UP Diliman Gender Office sa pagsusulong ng kagalingan at karapatan ng kababaihan, LGBTQIA+ at kalalakihan sa loob at labas ng UP Diliman.

Ang unang pormal na seremonya ng Gawad Kasarian ay nagbigay ng pagkilala sa tatlong kategorya noong 2021, ang:

  • Gawad Kasarian
    Natatanging Indibidwal
    Natatanging Institusyon

Sa ikalawang Gawad Kasarian, magkakaroon ng GAD Breakthrough Activity. Ito ay pagkilala sa mga proyekto, aktibidad at programa na nagbigay ng impact, nagpakilala ng mga bagong konsepto at ideya, at naging matagumpay sa paglalapat ng malay-na-kasariang lente sa kanilang mga mandato.

Bilang pagkilala sa aktibong partisipasyon ng mga mag-aaral sa gawaing GAD, isinama ang Natatanging Student Organization bilang kategorya ng Gawad Kasarian.

Ang mga ginawaran sa taong ito ay ang Office of the Vice-Chancellor for Academic Affairs, UP Diliman (OVCAA) bilang GAWAD KASARIAN 2022, ang UP School of Statistics bilang NATATANGING INSTITUSYON, ang UP Diliman University Student Council – NATATANGING STUDENT ORGANIZATION, si Kerima Lorena Tariman bilang NATATANGING INDIBIDWAL, at ang UP School of Statistics at University Student Council, kapwa ginawaran bilang BREAKTHROUGH ACTIVITY.

Pagbati sa mga nagwagi ngayong Gawad Kasarian!

Kung nais pang malaman ang tungkol sa GK, bisitahin at panoorin ang