Inihahandog ng Office of the Vice-Chancellor for Academic Affairs, UP Diliman (OVCAA) GAD Committee, sa pakikipagtulungan sa Health & Wellness Committee at ng UP Diliman Gender Office, ang KALUSUGAN NG KALALAKIHAN webinar na gaganapin sa Abril 28, Miyerkules, 1-3:30 PM.

Nilalayon ng webinar na ito na talakayin ang mga işyu ng mga kalalakihan patungkol sa kanilang kalusugang pampisikal at mental, lalo na ngayong panahon ng pandemya. Tatalakayin din kung paano pangangalagaan ng mga lalaki ang kanilang katawan.

Bukas ang webinar na ito hindi lamang sa mga lalaki kung hindi ay sa mga babae at miyembro ng LGBT community mula sa iba’t ibang opisina at yunit ng UP Diliman.

Mag-register dito. Ipadadala namin sa email ang Zoom details. Maaari rin itong mapanood nang live sa UP Diliman Gender Office Facebook page. Kita kits!