Isang matagumpay na hapon ang naisagawa ng UP Diliman Gender Office kasama ang mga security guards na dalawang buwan nang walang trabaho at pasahod dahil sa hindi pagrerenew ng kanilang agency. Bilang suporta, naganap ang isang maikling Gender Sensitivity Orientation at oryentasyon sa Gender-Based Violence Protocol sa pangunguna nina Training at SOGIE Officer Giano Potes at Guidance Specialist Anna Villanueva sa tulong nina Connie Marquina at Wilfran Dela Paz. Nakapagbahagi ng karunungan ang UPDGO sa mga guards at kanilang mga pamilya tungkol sa batayang konsepto sa kasarian at naging daan din ito upang sila ay makapagbahagi ng personal na karanasan tungkol sa diskriminasyon, pang-aabuso, at harassment sa trabaho, tahanan, at komunidad. Nakatanggap ang mga guards ng tote bags na may kasamang babasahin at materyal tungkol sa kasarian at sekswalidad kasama ang munting handog na pakain para sa lahat.
Kasabay ng pagsulong sa kaalaman at serbisyo sa kasarian at sekswalidad ay ang pagsulong para sa sahod, trabaho, at karapatan para sa lahat.