SURVEY: Pag-aaral hinggil sa sitwasyon ng mga dati at kasalukuyang nagpapasusong ina (breastfeeding mothers) na empleyado, REPS at fakulti sa UP Diliman
Layunin ng pag-aaral na ito na siyasatin ang dati at kasalukuyang sitwasyon ng mga nagpapasusong ina na empleyado, REPS at fakulti ng UP Diliman bago pa man dumating ang pandemya, hanggang sa kasalukuyan. Nais matukoy ng pag-aaral kung papaano hinaharap ng mga nabanggit ang dati at kasalukuyang sitwasyon, ano ang mga naging tugon ng kani-kaniyang mga pamilya, opisina, ng Unibersidad, at kung ano ang nakikita nilang mga maaari pang pagbutihin bilang suporta sa kanilang pangangailangan. Sisikapin ng pag-aaral na itong bumuo ng rekomendasyon na ihahapag sa mga opisinang mayroong kinalaman sa kalagayang nabanggit.
Masasagutan ang survey sa loob ng 15-20 minuto. Maaaring lumahok sa survey na ito ang mga dati o kasalukuyang breastfeeding mothers/nagpapasusong ina, pati na rin ang mga kasalukuyang nagbubuntis/expectant mothers na kawani, REPS o fakulti ng UP Diliman.
Sakaling hindi naman pasok sa mga nabanggit, maaari ninyong i-refer ito sa mga kakilalang kaopisina/kasama sa yunit/kolehiyo ng UP Diliman na breastfeeding/nagpapasuso, dating nakaranas ng breastfeeding/pagpapasuso, at nagbubuntis/expectant mothers.
Para sa mga nais lumahok, narito ang link ng survey. https://docs.google.com/…/1FAIpQLSeEwC9GLICt5f…/viewform
Maraming salamat!