Tumatanggap ang DGR ng mga artikulo sa wikang Filipino at Ingles. Bukas ito sa anumang artikulong pangkababaihan at pangkasarian mula sa iba’t ibang disiplina, at larangan tulad ng pagtuturo, pananaliksik, gawaing ekstensyon at administratibo.
Ang maaaring mga tema:
- Karanasan sa gawaing Gender and Development (GAD)
- Karanasang pangkasarian sa panahon ng pandemya
Bukas din ito sa mga artikulo tungkol sa iba’t ibang sektor, mga napapanahong isyu, mga rebyu ng aklat, tesis, disertasyon, pelikula, mga produktong pangmidya, malikhaing akda kabilang ang mga tula, dula, sining biswal, komiks, at iba pa na tumatalakay sa tukoy na paksa. Sumasailalim ang mga artikulo sa double-blind review.
Ang mga artikulo ay dapat:
- Orihinal, hindi pa nailalathala sa anumang publikasyon;
- May habang 25-30 pahina ang artikulo, double-spaced kasama ang mga larawan/ilustrasyon at sanggunian o 6,000-8,000 salita;
- Nasa Chicago Manual of Style (sistemang awtor-petsa) sa buong dokumento;
- May limang (5) keywords at Filipino/English na Abstrak
Ipadala ang kontribusyon sa genderreview.updiliman@up.edu.ph
Para sa mga katanungan at karagdagang impormasyon, maaaring ipadala sa e-mail address sa itaas o kaya sa updgo@up.edu.ph