Maligayang ika- 124 na Paggunita ng Ating Kalayaan!
Ngayong Araw ng Kalayaan, sa araw ng paggunita ng ating kasarinlan, kasabay din sana ito ng paglaya nating mga Pilipino laban sa anumang uri ng kahirapan, karamdaman, at kawalang hustisya. Ang kalayaan ay paglaya ng kababaihan laban sa diskriminasyon at pang-aabuso. Ang kalayaan ay paglaya ng mga LGBTQIA++ individuals laban sa pambabastos at pagpatay. Ang kalayaan ay paglaya ng mga magsasaka at iba pang manggagawang bukid na makapagsaka ng sariling lupa. Ang kalayaan ay paglaya ng mga manggagawa laban sa abusado at masalimuot na kondisyon sa trabaho. Ang kalayaan ay paglaya ng mga mamamayan laban sa hirap at panganib ng pandemya. Ang kalayaan ay paglaya ng mamamayan sa kagutuman at kawalan ng ligtas at maayos na tahanan. Ang kalayaan ay paglaya ng mga mamamayan na magpahayag ng kanilang pagnanais para sa isang makatarungan at maginhawang bansa.
Maging paalala sana ang Hunyo 12 na bahagi ng ating pagdiriwang at paglaya ay ang patuloy na pagtamasa natin sa mga batayang karapatan natin bilang tao at mamamayan ng ating bansa.