Para sa Isyu 2021, tumatanggap na ang DGR ng mga artikulo sa wikang Filipino at Ingles. Bukas ito sa anumang artikulong pangkababaihan at pangkasarian mula sa iba’t ibang disiplina, at larangan tulad ng pagtuturo, pananaliksik, gawaing ekstensyon at administratibo. Bukas din ito sa mga artikulo tungkol sa iba’t ibang sektor, mga napapanahong isyu, mga rebyu ng aklat, tesis, disertasyon, pelikula, mga produktong pangmidya, malikhaing akda kabilang ang mga tula, dula, sining biswal, komiks, at iba pa. Sumasailalim ang mga artikulo sa double-blind review.

Para sa mga susunod na isyu, bibigyang-diin ang mga artikulong may kaugnayan sa:

TEMA

1. Kababaihan/kasarian sa panahon ng pandemic/COVID-19
2. Sexual Orientation, Gender Identity and Expression (SOGIE)
3. Mga usaping pangkalalakihan (masculinities)
4. Mga karanasang pang-akademikong nilalapatan ng perspektibang pangkasarian
5. Edukasyon at serbisyong pampubliko
6. Pananaliksik (food and water security, health sufficiency, bio-diversity, sustainable community)
7. Social scripts: paniniwala, kumbersasyon, dayalog sa pagitan ng mga henerasyon, relasyon at kasarian
8. Karanasan sa GAD mainstreaming
9. Prostitusyon
10. Karanasan sa GAD mainstreaming
11. Prostitusyon
12. Institusyong panlipunan: pamilya, barkada, simbahan, paaralan, midya, gubyerno
13. Misogyny
14. Seksismo at seksistang wika
15. Migrasyon at pandaigdigang sitwasyon
16. Midya, social media, fake news, fraud, pabrikasyon
17. Kalusugan at isyung medikal, reproductive health, STDs, mental health
18. Simbahan, ispiritwalidad at relihiyon
19. Mga pananaliksik sa kababaihang Muslim at mga pangkat etniko
20. Mga isyung pangkabataan (teenage marriage, teenage pregnancy, mga isyung pansekswalidad)
21. Mga batas at lehislasyon
22. Karahasang sekswal, VAWC, SH

PANUNTUNAN SA PAGPAPASA NG MGA ARTIKULO
1. Orihinal, hindi pa nailalathala sa anumang publikasyon;
2. May habang 25-30 pahina ang artikulo, double-spaced kasama ang mga larawan/ilustrasyon at sanggunian o 6,000-8,000 salita;
3. Gamitin ang Chicago Manual of Style (sistemang awtor-petsa) sa buong dokumento;
4. Lagyan ng caption at source na ginamit sa bawat larawan/biswal ng artikulo;
5. Tungkulin ng awtor na kumuha ng informed consent kaugnay ng kanyang akda, sa teksto man o sa mga larawan/biswal na ginamit;
6. Walang pangalan ang artikulo. Isumite sa nakahiwalay na papel ang bionote ng may-akda na may 300-500 salita;
7. May abstrak na 300-500 salita. Kung ang artikulo ay nasa Filipino, magsumite ng titulo at abstrak sa Ingles. Kung ang artikulo ay sa Ingles, magpasa ng extended abstract sa Filipino (1-2 pahina, single-spaced);
8. May limang susing salita (keywords) kapwa sa Filipino at Ingles;
9. Times New Roman ang font; 12 ang sukat;
10. May bilang ng pahina sa kanan, itaas na bahagi ng pahina;
11. May margin na 1” sa lahat ng gilid ng papel, at justified sa kaliwa at kanan ang format ng teksto;
12. Gamitin ang Excel sa mga talahanayan.

 

IPADALA ANG KONTRIBUSYON SA:

Patnugot, dilimangenderreview@gmail.com.
Para sa iba pang katanungan, maaaring ipadala ito sa e-mail address sa itaas o kaya sa updgo@up.edu.ph