Idinaos noong Marso 21 & 28 at Abril 1 ang huling tatlong sesyon ng “Start ‘Em Young: Gender Sensitivity Training for UP Diliman Freshies” sa pangunguna ng UP Diliman Gender Office, UP Diliman OASH at UP Diliman Office of the Vice Chancellor for Student Affairs.

Sa lahat ng mga sesyon ay nagbahagi ng pambungad na mga mensahe sina Kristel May Gomez Magdaraog at Dr. Teresa Paula de Luna (mga Tagapag-ugnay ng UPDGO at OASH-UPD) at pormal na nagwakas ang mga sesyon sa mensahe ni Vice Chancellor Louise Jashil Sonido ng OVCSA. Naging susing tagapagsalita din sa mga paksa ng GST sina Gio Potes ng UPDGO (para sa mga Batayang Kunsepto sa Ari, Kasarian at SOGIE) at sina Prescilla Tulipat at Dr. Remedios “Peach” Mondiguing (para sa ASH Code Orientation).

Ang “Start ‘Em Young: Gender Sensitivity Training for UP Diliman Freshies” ay bahagi din ng mga aktibidad ng mga opisina para sa pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan ngayong taon.

Maraming salamat sa masikhay na pagdalo at partisipasyon!

Mabuhay ang mga bagong Iskolar ng Bayan!

 

Narito ang FB post tungkol rito:

#GST2022
#GSO2022