Matagumpay na idinaos ang seryeng START ‘EM YOUNG: Online Gender Sensitivity and UP ASH Code Orientation for Freshies mula ika-15 hanggang ika-19 ng Marso 2021.

Inimbitahan ang mga sumusunod na tagapagsalita para sa iba’t ibang academic cluster:

Social Sciences and Law: Dr. Gerardo Lanuza (Department of Sociology, College of Social Sciences and Philosophy, UP Diliman) at si Atty. Alnie G. Foja (Legal Counselor, UP Diliman Gender Office)

Arts and Letters: Dr. Pau Hernando (Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, College of Arts and Letters, UP Diliman)

Management and Economics: Mary Leian Marasigan Pasumbal (School of Labor and Industrial Relations, UP Diliman)

Science and Technology (Engineering and Natural Sciences): Engr. Salvacion “Tita Shiot” Pascual (Licensed Chemical Engineer mula sa Mapua Institute of Technology, at dating Emergency Crisis Counselor ng UPDGO) at si Dr. Cynthia Grace Gregorio ng (Institute of Chemistry, College of Science, UP Diliman)

Pasasalamat sa  Office of the Vice Chancellor for Student Affairs (OVCSA) at sa Office of Anti-Sexual Harassment (OASH) sa pakikipag-ugnayan sa UP Diliman Gender Office na naging punong-abala sa pagbubuo ng aktibidad na ito. Sinusugan ng Memorandum No. LRS-2021-009 (Gender Sensitivity Orientation and Anti-Sexual Harassment Orientation for Freshies) ang implementasyon ng aktibidad na ito, bilang ambag na gawain para sa pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan 2021.