Idinaos nang matagumpay noong April 30, 2022 ang webinar para sa mga guro at magulang ng UP Integrated School na pinamagatang “We Don’t Talk About Bruno: Paksang Pangkasarian, Bakit Mahirap Pag-usapan?” Pinangunahan ito ng Gender and Development Committee ng UPIS at ng opisina ng UPDGO. Ang mga tagapagsalita ay sina Ms. Yeng Gatchalian, Ms. Lance Reblando, at ang Guidance Specialist ng UPDGO na si Ms. Anna Villanueva.

Tinalakay ang kahalagahan ng pagiging bukas sa pagtalakay ng iba’t ibang usaping pangkasarian ng mga magulang at mga mag-aaral upang maging handa sa mga isyung maaaring makaharap kaugnay ng paksa.

Bahagi ng programa ng UPDGO ang pagbibigay ng mga pagsasanay at pagbabahagi ng kaalaman ukol sa mga usaping pangkasarian sa mga guro, mag-aaral at magulang. Para sa mga kaugnay na webianr at pagsasanay, kumontak lamang sa updgo@up.edu.ph o magmensahe sa aming Facebook page https://www.facebook.com/updgo.2003 .