Naging matagumpay ang partisipasyon ng UP Diliman Gender Office sa Asian Studies Association of Australia (ASAA) Conference na ginanap noong Hulyo 5-8, 2022 sa Monash University sa Clayton Campus na may temang “Social Justice in Pandemic Times”. Nakiisa sina Coordinator Kristel May Gomez-Magdaraog at Guidance Specialist Anna Villanueva sa kumperensya sa Australia samantalang nakiisa sina Research and Publications Officer Stephanie Andaya at Gender and Development Officer Cindy Cruz-Cabrera via Zoom upang mabuo ang panel ng UPDGO na may titulong “Gender Responsiveness in the time of Covid-19: The University of the Philippines Diliman Gender Office Experience”.
Ang ASAA Conference ay ginaganap dalawang beses sa isang taon. Si Associate Professor Sharyn Davies ang convenor samantalang kapwa hosts ang Monash University at ang Herb Feith Engagement Centre. Hitik sa iba’t ibang aktibidad at gawain ang nasabing kumperensya gaya ng paglulunsad ng mga libro, roundtable discussions at workshop, webinars, ang plenaryo ng presentasyon ng mga papel, at iba pa. Ito ay isa sa mga pinakamalaking pagsasama-sama ng mga eksperto sa Asya at karatig na rehiyon.
Pinangunahan ni Kristel May Gomez-Magdaraog ang panel sa kanyang papel na “Gender Mainstreaming in the University of the Philippines Diliman: The Covid-19 Pandemic Era”. Sinundan ito ng papel ni Guidance Specialist Anna Villanueva na pinamagatang “Gender-Based Violence: A Protocol for the University of the Philippines as an Urgent Response in the Time of Covid-19 Pandemic.” Ibinahagi naman ni Gender and Development Officer ang kanyang papel na may titulong “A Collaborative and Consultative Research Process towards Gender Mainstreaming Frameworks and Mechanisms in the COVID-19 Pandemic Context at the University of the Philippines Diliman” at ang panghuli ay ang “Isang Dede-kasyon: A Study on the Experiences Breastfeeding Staff, REPS, and Faculty of UP Diliman” ni Research and Publications Officer Stephanie Andaya. Pagbati sa UPDGO sa matagumpay na pagbabahagi ng karanasan nito sa gawaing pangkasarian sa panahon ng Covid-19 Pandemic.