Magkasabay na ginanap ang dalawang Gender Sensitivity Training para sa mga empleyado at fakulti ng Asian Center at para sa mga Lupong Tagapamayapa ng Brgy. UP Campus noong Oktubre 14, 2022. Ginanap sa GT Toyota ang GST ng mga fakulti at emplyado ng Asian Center kung saan nagbahagi ng mga susing mensahe ang dekanong si Dr. Henelito Sevilla Jr, at si Dr. Maria Dulce Natividad naman ang naglagom ng mga talakayan. Naging mga tagapagsalita naman sina Gio Potes (ng UPDGO), Mary Leian M. Pasumbal at Assoc. Prof. Bernadette V. Neri.

Ginanap naman sa University Hotel ang GST ng mga Lupong Tagapamayapa ng Brgy. UP Campus kung saan nagbahagi tungkol sa Batayang Konsepto sa Ari at Kasarian si Cindy Cruz-Cabrera, ang Senior GAD Officer ng UPDGO. Sina Brgy Capt. Zenaida Lectura at Pinuno ng Lupong Tagapamayapa, Erlinda Gaddi, ay nagbigay din ng mga mensahe.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan ng UP Diliman Gender Office sa mga opisina, yunit, at mga barangay ng UP Diliman para sa mga pagsasanay at proyekto tungo sa layuning maging gender-responsive ang komunidad. Padayon sa mga kawani at mga opisina na kaagapay natin sa pagtupad na magkaroon ng malayang unibersidad.