• adminadmin
  • July 28, 2022
  • 0 Comments
Pagsasanay sa Kasarian ng mga UPD Guards

Isang matagumpay na hapon ang naisagawa ng UP Diliman Gender Office kasama ang mga security guards na dalawang buwan nang walang trabaho at pasahod dahil sa hindi pagrerenew ng kanilang agency. Bilang suporta, naganap ang isang maikling Gender Sensitivity Orientation at oryentasyon sa Gender-Based Violence Protocol sa pangunguna nina Training at SOGIE Officer Giano Potes at Guidance Specialist Anna Villanueva sa tulong nina Connie Marquina at Wilfran Dela Paz. Nakapagbahagi ng karunungan ang UPDGO sa mga guards at kanilang mga pamilya tungkol sa batayang konsepto sa kasarian at naging daan din ito upang sila ay makapagbahagi ng personal na karanasan tungkol sa diskriminasyon, pang-aabuso, at harassment sa trabaho, tahanan, at komunidad. Nakatanggap ang mga guards ng tote bags na may kasamang babasahin at materyal tungkol sa kasarian at sekswalidad kasama ang munting handog na pakain para sa lahat.  Kasabay ng pagsulong sa kaalaman at serbisyo sa kasarian at sekswalidad ay ang pagsulong para sa sahod, trabaho, at karapatan para sa lahat. 

  • adminadmin
  • July 15, 2022
  • 0 Comments
SIGN UP NA! PAGSASANAY AT WEBINAR NG UPDGO

Narito ang iskedyul sa mga sesyon ng pagsasanay at webinar ng UPDGO sa Agosto 2022 na maaaring daluhan ng mga miyembro ng komunidad ng UP Diliman. Maaaring indibidwal o pangkat ang mag-register, ilagay lamang sa form kung ilan ang dadalo kung para sa pangkat. Kada sesyon ay animnapung (60) katao ang maaaring mapadalo. Magpapadala ng kumpirmasyon ang UPDGO isang (1) linggo bago ang petsa ng sesyon. Magregister dito: https://linktr.ee/updgotrainings, o i-scan ang QR code. Maraming salamat at kitakits sa mga sesyon! #GST2022 #GSO2022  

  • adminadmin
  • July 12, 2022
  • 0 Comments
UP Diliman GAD Agenda Planning and Development Series 5

Pagbati sa idinaos ng UP Diliman Gender Office na pinakahuli sa limang workshop sa UP Diliman GAD Agenda Planning and Development Series noong Biyernes (Hulyo 1, 2022). Ang GAD Agenda Core Group ay gumawa ng GAD Strategic Plan para sa ikalawang hanay ng tatlong GAD Goals bilang bahagi ng GAD Agenda. Ang mga workshop ay pinangasiwaan ni Gender and Development Officer Cindy Cruz-Cabrera, GAD Associate Gwyneth Meneses, at Emergency Crisis Counselor Ms. Tish R. Vito Cruz habang nakadalo din ang UPDGO Coordinator Ms. Kristel R. Gomez-Magdaraog. Kasama rin sa talakayan ang Administrative Assistant ng UPDGO na si Wilfran Delapaz at ang mga intern ng UP Pampanga na sina Chassy Anne Fajardo, Maiah Suico, Rae Navarro, at Merynn Ularte. Papasok na ito ngayon sa yugto ng pagsulat, kasama ang huling konsultasyon at ang pagpapahayag ng iminumungkahing GAD Agenda sa gaganapin sa UP Diliman Gender and Development (GAD) Summit sa katapusan ng Hulyo 2022. Maraming salamat tulad ng dati sa GAD Agenda Core Group, na binubuo ng mga miyembro ng GAD Committee mula sa mga sumusunod na kolehiyo at unit sa UP Diliman: Office of the Vice Chancellor for Academic Affairs (OVCAA), Office of the Vice Chancellor for Student Affairs (OVCSA). ), Office of Vice Chancellor for Research and Development (OVCRD), National Institute for Science and Mathematics Education Development (NISMED), School of Statistics, University Library, Office of Anti-Sexual Harassment (OASH), Office of Student Housing (OSH) , at ang UP Integrated School (UPIS).

  • adminadmin
  • July 11, 2022
  • 0 Comments
UPDGO sa Asian Studies Association of Australia (ASAA) Conference

Naging matagumpay ang partisipasyon ng UP Diliman Gender Office sa Asian Studies Association of Australia (ASAA) Conference na ginanap noong Hulyo 5-8, 2022 sa Monash University sa Clayton Campus na may temang “Social Justice in Pandemic Times”. Nakiisa sina Coordinator Kristel May Gomez-Magdaraog at Guidance Specialist Anna Villanueva sa kumperensya sa Australia samantalang nakiisa sina Research and Publications Officer Stephanie Andaya at Gender and Development Officer Cindy Cruz-Cabrera via Zoom upang mabuo ang panel ng UPDGO na may titulong “Gender Responsiveness in the time of Covid-19: The University of the Philippines Diliman Gender Office Experience”. Ang ASAA Conference ay ginaganap dalawang beses sa isang taon. Si Associate Professor Sharyn Davies ang convenor samantalang kapwa hosts ang Monash University at ang Herb Feith Engagement Centre. Hitik sa iba’t ibang aktibidad at gawain ang nasabing kumperensya gaya ng paglulunsad ng mga libro, roundtable discussions at workshop, webinars, ang plenaryo ng presentasyon ng mga papel, at iba pa. Ito ay isa sa mga pinakamalaking pagsasama-sama ng mga eksperto sa Asya at karatig na rehiyon. Pinangunahan ni Kristel May Gomez-Magdaraog ang panel sa kanyang papel na “Gender Mainstreaming in the University of the Philippines Diliman: The Covid-19 Pandemic Era”. Sinundan ito ng papel ni Guidance Specialist Anna Villanueva na pinamagatang “Gender-Based Violence: A Protocol for the University of the Philippines as an Urgent Response in the Time of Covid-19 Pandemic.” Ibinahagi naman ni Gender and Development Officer ang kanyang papel na may titulong “A Collaborative and Consultative Research Process towards Gender Mainstreaming Frameworks and Mechanisms in the COVID-19 Pandemic Context at the University of the Philippines Diliman” at ang panghuli ay ang “Isang Dede-kasyon: A Study on the Experiences Breastfeeding Staff, REPS, and Faculty of UP Diliman” ni Research and Publications Officer Stephanie Andaya. Pagbati sa UPDGO sa matagumpay na pagbabahagi ng karanasan nito sa gawaing pangkasarian sa panahon ng Covid-19 Pandemic.