Isinagawa ng UP Diliman Gender Office ang ikaapat na pagpupulong para sa UP Diliman GAD Agenda Planning and Development Series kahapon (June 23, 2022), kung saan nagtalakayan ang UP Diliman GAD Agenda Core Group tungo sa pagbuo ng GAD Strategic Plan para sa tatlo (3) sa anim (6) na iminungkahing GAD Goals na nilalaman ng GAD Agenda. Ang session ay pinangunahan ni UPDGO Coordinator Bb. Kristel Gomez-Magdaraog, habang ang mga workshop ay pinangunahan ni Gender and Development Officer Cindy Cruz-Cabrera, GAD Associate Gwyneth Meneses, at Guidance Services Specialist/Guidance Counselor Anna Villanueva. Dumalo din at nakilahok ang Emergency Crisis Counselor na si Tish Vito Cruz, Administrative Assistant na si Connie Marquina, at ang Campaign and Advocacy Officer na si Rej Duka. Ang iminungkahing GAD Agenda ay dapat iharap ng GAD Agenda Core Group sa panahon ng UP Diliman GAD Summit sa Hulyo 2022. Maraming salamat gaya ng dati sa GAD Agenda Core Group, na binubuo ng mga miyembro ng GAD Committee mula sa mga sumusunod na unit ng UP Diliman: Office of the Vice Chancellor for Academic Affairs (OVCAA), Office of the Vice Chancellor for Student Affairs (OVCSA), Office ng Vice Chancellor for Research and Development (OVCRD), National Institute for Science and Mathematics Education Development (NISMED), School of Statistics, University Library, Office of Anti-Sexual Harassment (OASH), Office of Student Housing (OSH), at ang UP Integrated School (UPIS)
Sulong, Bahaghari! Ginanap noong June 24, 2022 ang online Pride celebration ng UP Diliman na puno ng mensahe ng pakikiisa at mga pagtatanghal para sa Pride. Maraming salamat sa lahat ng nanood at nakiisa noong Byernes at lalong lalo na sa iba’t ibang sektor na nagpahayag ng suporta para sa adbokasya maging sa mga organisasyon at artista ng bayan na nagtanghal. Maraming salamat sa The UP Repertory Company, UP Kontra-GaPi, at UP LIRIKA, Doña Amour, Mrs. Tan, Aries Night, Kieffy, and Ally Nicole! Pagbati rin sa UP Diliman Office of Anti Sexual Harassment sa paglulunsad ng OASH Narratives na matatagpuan sa kanilang FB page. Inilunsad din ang bidyo ng mga kaganapan noong nakaraang pagdiriwang ng UP Diliman Women’s Month 2022. Bisitahin ang opisyal na Youtube ng opisina sa https://youtu.be/kfoZUjqNdI8 Patuloy tayong sumulong sa ating mga laban kahit tapos na ang Pride Month. Patuloy tayong manawagan para sa isang lipunang ligtas at malaya para sa lahat ng kasarian at ibang bulnerableng sektor ng lipunan. Manindigan lalo na sa panahong talamak ang disimpormasyon sa loob at labas ng social media. #UPDPRIDE2022 #SulongBahaghari #UPPride #EQUALITYNOW #UPDilimanPRIDE #SOGIEEqualityNow #UPDPride2022 #uppride #equalitynow #lovewins #UPPRIDE
Ginanap noong June 17, 2022 and AdbokaSerye ng Benilde Center for Social Action na pinamagatang KASARINLAN, talakayan ukol sa kahalagahan ng pagtanggap at pag-intindi sa LGBTQIA++ community. Ang mga tagapagsalita ay sina Mx. HARVEY B. CATI-AN, RPm, Mental Health Coach sa National Youth Commission at Lecturer sa Negros Oriental State University. Naroon rin si Mr. GIANO RAY C. POTES, ang SOGIE & Training Office ng UP Diliman Gender Office. Pagbati sa Benilde Center for Action at maraming salamat sa pagkakataong makapagbahagi ang UPDGO sa inyong Pride Month celebration. Maaaring mapanood muli ang kanilang talakayan sa https://www.facebook.com/centerforsocialaction/videos/793864118272393 Maaari kaming maimbita bilang tagapagsalita sa inyong mga aktibidad sa paaralan, opisina, at iba pa. Mag-email lamang sa updgo@up.edu.ph o magpadala ng mensahe sa aming opisyal na FB page. Abangan pa ang mga nakalinyang kaganapan ngayong buwan sa https://dgo.upd.edu.ph/sulong-bahaghari-calendar-of-events/ at sa opisyal na FB page ng UPDGO! Gamitin ang mga hashtags na #SulongBahaghari #EQUALITYNOW #UPDPRIDE2022 #UPPride #UPDilimanPRIDE
Narito ang mga aabangang aktibidad ngayong UP Diliman Pride Month! Makiisa sa mga ito at gamitin ang hashtags: #SulongBahaghari #EQUALITYNOW #UPDPRIDE2022 #UPPride #UPDilimanPRIDE Maraming salamat sa obrang likha ni Patricia Ramos
SULONG, BAHAGHARI! Online Pride Protest and Celebration Mhie! Bhie! Mga accla! Invited ang buong UP Diliman community sa ating online Pride Protest and Celebration sa June 24, 9AM! Isama ang buong opisina, pamilya, mga kaibigan, at tumutok na sa ating FB Live! Abangan ang mga mensahe ng pakikiisa at mga pagtatanghal alay sa makulay na kasaysayan ng paglaban at tagumpay ng LGBTQIA++ community. Kung nais magtanghal at magsumite ng inyong mga likhang-sining, mag-sign up lamang sa google form na ito: http://forms.gle/UUJqQcYFZAzN2nT28 Makiisa sa Pride ngayong buwan at gamitin ang mga hashtags sa inyong mga posts #SulongBahaghari #EQUALITYNOW #UPDPRIDE2022 #UPPride #UPDilimanPRIDE